Ano Ang Beyograpiya At Mag Bigay Ng 5 Tema
Ano ang beyograpiya at mag bigay ng 5 tema
Answer:
Ang heograpiya (mula sa Griyego γεωγραφία, geographia, literal na kahulugan: "paglalarawan sa daigdig"1) ay isang larangan ng agham na pinag-aaralan ang mga lupain, katangian, naninirahan, at hindi karaniwang bagay sa Daigdig.2 Ang unang tao na gumamit ng salitang Griyego na γεωγραφία ay si Eratosthenes (276–194 BC).3 Sinasakop ng heograpiya ang lahat ng disiplina na sinisikap na unawain ang Daigdig at mga tao nito pati na rin ang likas pagkakumplikado nito. Hindi lamang ang mga bagay nito ang pinag-aaralan, ngunit gayon din kung papaano ang mga ito ay nagbago at lumitaw.
Kadalasang binibigyan ng kahulugan ang heograpiya sa dalawang sangay: heograpiyang pantao at heograpiyang pisikal.45 May kinalaman ang heograpiyang pantao sa pag-aaral ng tao at ang kanilang mga pamayanan, kalinangan, ekonomiya, at pakikipag-ugnayan nila sa kalikasan sa pamamagitan ng pag-aaral ng kanilang kabuuang ugnayan sa nasasakupan at lugar.6 Samantalang ang heograpiyang pisikal ay may kinalaman sa pag-aaral ng proseso at disenyo sa kalikasan katulad ng atmospera, hidrospera, biyospera, at heospera
Comments
Post a Comment