Ano Ang Pagka Sunod Sunod Ng Pangyayari Sa Kwentong Ang Ama

Ano ang pagka sunod sunod ng pangyayari sa kwentong Ang Ama

Answer:

Naghihintay ang mga batang may pananabik dahil sa pagkaing

dala ng kanila ama na kanilang pang-pagaagawan at takot dahil sa pananakit ng

ama nila.

 

Palaging nag-aabang ang mga bata kung may dalang supot ang

kanilang ama, na tiyak ay isang supot ng plastik. Subalit, masaya na ang mga

batang ito kahit walang pansit basta hindi ito lasing at nananakit.

 

Namatay si Mui Mui, ang edad walo at sakitin nilang kapatid,

matapos itong suntukin ng ama nila dahil sa pagkainis matapos matanggal sa

trabaho.

 

Ibinalik sa trabaho ang ama matapos mabalitaan ng kaniyang

amo ang nangyari kay Mui Mui. Maliban pa rito, nagpaabot rin ito ng abuloy.

 

Nagsisi ang ama ni Mui Mui at bumulalas ang kinikimkim niyang

pagsisisi. Nagdesisyong magbago ng ama at ipinakita niya ito matapos mag-uwi,

imbes na beer, ng mga tsokolate at prutas para sa kanilang kapatid na si Mui

Mui.

 

Natapos ang kuwento ng pagsaluhan ng mga magkakapatid ang

laan ng ama para kay Mui Mui sa tabi ng puntod.


Comments

Popular posts from this blog

Mga Elemento Ng Lipunan

What Is Theory Of Eternity

What Is The Description Of The Switch?